wag n’yo kong pagtatawanan kesyo sa baku-bakong salita
o sa aking pagmumuni-muni.magtimpi man lang kayo hanggang dulo.
isipin nyo na lang
na kung sumasakit ang inyong panga sa kapipigil ng tawa
ay siya rin namang pagsakit ng ulo ko sa pagsulat nito.
ako'y miyembro ng hi5, na tulad ng pwenster ay isang umpukang hanapan ng mga kaklase, kaibigan, at ka-ibigan. kaya lang naman ako sumali dun ay inimbita ako ng isang kaibigan ng kaibigan (o FOAF, sa ingles) na nagtatrabaho sa
summitmedia. kahit kelan naman ay mas gusto kong humawak sa isang magasin kaysa magtrabaho para sa mga
bampirang pambihirang gumagawa ng mga patalastas. awa ng diyos ay hanggang ngayon sa pila ng SM grocery ko lang nahahawakan ang mga magasing yun.
minsan lang sa isang sine nina
mark herras ako pumupunta sa hi5. pero ilang linggo na akong kinukulit sa i-mayl ng isang kanong hilaw na makipagkaibigan. ilang beses ko nang sinabing wag na po--at kailangan ko siyang i-po, dahil siya'y
kwarenta'y otso na--pero makulit pa rin. bakit naman sinasagot ko pa ay dahil mabait akong tao at ayoko na namang may magtambak ng isang dosenang mensahe na nagtatanong kung bakit hindi ko kinakausap.
isipin n'yo kung anong itsura ng ang mamang ito: matandang bolero na tipong malangis ang boses at mamantika ang mukha. higit sa lahat, mayroong siyang isang damukal na pwenster pwens na dalagitang pinay, malay, hapon, indo, latina, atbp.
sa madaling salita,
meron siyang yellow-brown fever.
malala.
naburo na ako sa kakulitan at sinabi sige na nga, sa msn. ay punyeta. salamat daw at binigyan ko ng pagkakataon dahil ako daw ay lubos na masisiyahan, eks-oh-eks-oh. hanap siya agad ng litrato ko, dahil yung nakapaskil na litrato ko sa hi5 ay yung nakataas sa ere ang mga binti ko, at hindi kita ang mukha pero tila luluwa na ang aking mala manggang hinog na handog ng grasya. kung alam nyo lang kung ilang pirasong tela ang siniksik don para hindi na kailanganing i-putosyap ang aking kinabukasan.
pasensya na po at wala. walang anuman, aniya'y makahihintay ang mga ganong bagay.
hamo't maghintay ka sa wala, isip-isip ko, pero ang sinabi ko'y marahil maghintay ka hanggang hindi naman importante yun. ang sagot niya sa akin,
parating importante ang litrato.
dagliang tanong kung may webcam ba ako. halos isigaw ko, ano ka, hilo, nasa opisina ako, kung inaasahan mong maghuhubad ako't gigiling dito ay di para sa yo; kung nagsuot ka man lang ng kulay kahel na panlamig at nagparetoke ng mukha at natuto ng xtml ay baka suwertehin ka pa. kaso malamang yung nakaganong pansuot sa opisina ay magkaripas ng takboooooooooooooooooooo... (may doppler effect 'yan)
kaya't ang aking minakinilya ay paghingi ng paumanhin, at inayos ang aking msn para hindi ko makita ang kanyang mga mensaheng tadtad ng walang katoryatoryang emoticon. napaisip ako na mayroon palang mga tao na hindi kayang bumuo ng isang pangungusap ng walang umiindak na kulay asul na tandang panandam. kung hindi ko lang alam na di hamak na mas matanda ito sa akin ay hahanapan ko na siya ng wan wan wan pagtapos ng pagsamba sa akin ng j00 roxorz lolz!!!
inunahan ko na siya ng tanong, bakit andami niyang kaibigang singkit at morena. nung unang pinalipad-hangin ko sa i-mayl tungkol sa kanyang hilig, sinabi niya noon na pinaghahanap lang siya ng mga yun ng asawang kano. sa wakas ay inamin niya,
“ano pang masasabi ko, mahilig talaga ako sa asyano.” ika nga ng isang himpilan ng radyo, bisyo na 'to.
de-agua oxihenada at pekpek shorts pa alang-alang kay fafa marahil ay maski hindi n'yo alam bago basahin ito ay natunton n'yo na meron akong mga isyu sa isang malimit nating makita sa megamol o sa ibang lugar na maraming expat: ang puti at ang chimini-a-a.
|
ano bang meron ako na naaamoy ng ating mga magigiting na katipunero at ako'y pinalalampas na lamang, habang ang mga kanong ito na mahilig nga sa eksotik ay walang tigil sa pagkalabit. at buti sana kung kano na katipo ni thomas mapother iii; tila meron akong pinasisingaw na nagsasabing, eto ang muchacha para sa yo!
kalimutan nating pansamantala na ang huling nagangkin sa puso ko ay sakto dun sa demograpiya ng mga expat na nagtatago sa nyibeng hangin ng mall at opisina upang di magsitulo ang pawis sa makati cuz it's soooooo hawt in manilla at na ako'y hindi tinigilang hiritan ng aking mga kapatid na ako'ymatutong magplantsa ng amerikana at maghugas ng puwet na ni minsa'y hindi nasilayan ng araw. di nagtagal ang suave ay animo'y si mister suaje, at marahil dahil sa aking pagiging mahirap masakyan ay nawalan ng gana at nagpaalam. kung alin ang tinutukoy ko, mamili ka na lang. bagamat sa una ay nangulila at sa pangalawa ay nakahinga ng maluwang, pareho ang resulta: ako'y nag-iisa.
at magbalik tayo sa nagbabagang tanong: bakheeet? may nakapagsabi na sa aking ako daw ay nakapangliliit ng pagkalalaki.
tipo ba akong magmamatyag sa tulog na kasintahan, handang ilaslas ang kanyang nagmumurang kamatis para igisa sa bawang at ihain sa mga aso dahil naghihimutok sa imbentong kasalanan?
hindi naman. medyo lang.
|
salamat at ako'y inyong pinaunlakan.
we turn you now to our regular programming.